Mga Pahina

Huwebes, Agosto 30, 2012

The Arms that Hold me 2

As I shivered at the thought of my need for a prayer to start my day I stumbled at old memories that I wish I have managed to successfully shun away from my memory.  Scars as they say indicate the closure of the wounds but would always be reminders of how the pain felt. So here in the side of a hill watching the sun rise- i came at old memories of me and him looking at the sunrise. We were tucked in our room at a hotel along Roxas Boulevard as opposed to my position now shivering cold with the morning mountain breeze.  The shivering is more from the memory that from the crisp morning breeze.

Makes me wonder who he cuddles now in the likes of this cold morning. Makes me jealous every time I think of it. Some say that feeling bitter towards a former flame is a highschoolish thing. That being unable to move on speaks of the immaturity of the person. I beg to disagree for there are cases that is out of that scope. Maturity comes with deeply understanding your feelings, maturity comes with treasuring all dreams and aspirations that are all good and feasible, maturity brings about a good judgement of where the betterment of the many will entail the pain of a few.I think I am.

I whined as I laugh at how my story ended just like any other melodramatic story on TV. Two hearts torn apart by the dictates of the needs and the situations. Either their families would not agree of the relationship or money or business matters would interfere. I hope that would be the case since on those melodramas, the lovers separate ways but would find other partners who are comparable options for their old flames. That someone comparable never came and now I sit here in the hill side reminiscing bitterly. Or somehow just like in the dramas, they would eventually find courage to fight for their love and defy all odds.

So I stood up and sipped from the mug of the aromatic coffee prepared from burnt rice. Not a coffee drinker for a start, I have grown to love rice coffee for its subtler bitterness. Just like my feelings- subtle bitterness. What to do today is often a wonder. I have exhausted all the questions that I wish to be answered on how the rebels cook their food, where they source it, how they it and all. Those answers confused me more of the reasons that make them stay despite all these conditions. The harsh rains the other night made sleeping on the ground a challenge. Although we have built our huts in such manner that the rain will not penetrate, the crude surroundings will force all the forces to get in touch with whoever is inside. 

And then I asked myself why exactly am I doing this? I am not convinced with the reason of getting the feel of the rebels to accurately get into their mind set. For some of my companions maybe that is a plausible reason. But I know deep inside me that the bigger reason would be the opportunity to device ways to get even with those that caused me pain. Bitterness really is capable of corrupting the heart. With that in mind, I stood up and prepared for my breakfast for I am bound to meet someone in an hour. I shall eat with appetite for the realization of my revenge is at hand.The mind after all is a slave of the heart.

Huwebes, Agosto 23, 2012

The Arms That Hold Me 1

In my years of trying hard to hone my skills in writing, I always come up with the difficulty in sustaining my interest and concentration in writing full length stories. I usually end up to 10 pages and my focus and ideas are fully drained. It is for this reason that I attempt to use this blog as a venue to write a rather long story. I intend to make it a story with a weekly installment of the parts. I am just hoping this goes well. This time however, I will try to alternate the language  between Filipino and English.

The Arms That Hold Me

Maalinsangan ang gabi na nagtataboy sa tuluyang pagkaliyo sa tawag ng antok, idagdag mo pa diyan ang huni ng mga lamok na manaka-naka pang pumapasok sa butas ng tainga na lubusang nakakapagpairita sa akin. Siguro ay matagal na nga akong nakalimot sa ganitong uri ng pamumuhay- o nasanay nga ba ako simula pa lamang? Makailang ulit nga ba akong nakapamundok. Isa? o dalawang ulit nga lamang kaya paano nga ba akong masasanay sa isang uri ng pamumuhay na hindi ko nais danasin. Pinili ko ang marangyang bahagi ng pakikibaka sa problema ng lipunan- ang manirahan sa lunsod at maging advocate na lamang. Hindi ako nadadarang sa tawag ng armadong pakikibaka sapagkat naniniwala pa din ako na sa mga namumuno sa ating lipunan ay may marami pa din ang nagsasa-alang alang sa kapakanan ng nakararami.

Hindi ko maintindihan kung ano ang aking ginagawa dito ngayon. Pinipilit ko bang damdamin ang karanasan ng isang rebelde ng sa ganun ay makatotohanan kong makita mula sa kanilang perspektiba and mga bagay-bagay o nais ko lamang makagawa ng paraan upang maibangon kong muli ang aking nasugatang dangal? Kung tutuusin bakit ko naman tutuligsain ang mga kurakot sa lipunan o iyong mga rebeldeng naniniwala sa marahas na paraan? Bakit ko sila susumbatan ng pagiging ganid at makasarili gayong maaring ang rason ko sa aking mga ginagawa ay purong pansarili lang din?

Nandito ako ngayon sa bundok kasama ng ilan sa aking mga kaibigan na naniniwala din sa aking hangarin. Magtatatlong araw na kami dito at pilit na isinasabuhay ang pamumuhay ng mga rebelde upang sa ganun ay maging makatotohanan ang aming dalumat sa mga bagay-bagay. Natatakot kami sa tinatawag nilang immersion kung saan makikipamuhay ka talaga sa kanila. Mukhang kahit matindi ang naisin naming maintindihan sila ay hindi yata namin kayang isugal ang aming kaligtasan. Madami ang nababawan sa paraan naming ito pero naniniwala kami na and pamumuhay sa bundok ay isa ding kultura at upang higit na maintindihan ang pananaw ng isang pangkat ay marapat lamang na nakukuha mo ito sa kontexto ng kanilang kultura.

Kasama ang maalinsangang mga gabi at mga lamok sa kulturang nais naming intindihin at katulad ng ibang nais umintindi sa mga ganitong uri ng pamumuhay, umakyat lang kaming ang dala namin ay kaonting gamit at ang aming mga sarili. Naisip ko makailang ulit kung ano nga ba ang aking mahihita sa aking ginagawa- sinantabi ko muna ang aking tunay na trabaho upang mabigyan ng pansin ang bagay na ito- kapalit ng ano? Marahil ay wala ngang kapalit ngunit ang usig ng nasugatang dangal ang malakas nagtutulak sa akin upang gawin ito.

Bago mag bukang liwayway ay halos gising na kaming lahat upang maghanda ng aming almusal. Naupo ako sa taas ng maburol na bahagi at tinitigan ang papasikat na araw- kahit saang sulok ka naman manirahan at kahit anong uri ng pamumuhay ay may mga mumunting mga silip ang paraiso na nakakabagbag sa lahat ng mga alinlangan at suliranin. Tulad din ng marami, marahil ay nalimot ko na ding tignan ang mga silip ng paraiso na ito at nagpatinuod na lang ako sa agos ng mga pighati at lungkot ng buhay. Ngayong kami lang ng araw ang magkaharap, umusal ako ng panalangin.

Ilang taon na din ang nakaraan ngunit kailangan ko pa din pala ng panalangin upang magawa kong magpatuloy sa buong araw. Ang panalangin ang tangi kong nakakapitan upang magawa kong ihiwalay ang aking sarili mula sa demonyo ng aking nasugatang dangal na matagal ng sumusigaw ng katarungan. Bakit nga ba sugatan ang aking dangal- anong uri akong tao upang hindi makapuhap ng pagpapatawad? Ngunit mas malaks ang usig ng aking konsensiya sa aking pagtataksil na gagawin- pagtaksil sa ngalan lamang ng personal na kagustuhang malunasan ang paghihiganti?