Mga Pahina

Huwebes, Marso 31, 2011

Draft- Yearbook 2010 College of Home Economics- University of the Philippines Diliman


Mga lumang sulat ni Inay, mga damit na naisuot ko sa mga okasyon, mga balat ng kending binigay sa akin ng kasintahan ko, mga tuyong rosas na naipit ko sa lumang Bibliya….
Hindi ko namalayang pumapatak na pala ang aking mga luha habang nakangiti kong ginugunita ang aking mga sandali doon sa malaking bahay na bato- tahanan ng marami kong masasayang ala-ala. Sa bahay na bato na puno ng mga kuwento; kuwento ng mga buhay ng mga taong maaring naging mahalaga o dumaang pahapyaw lamang sa aking buhay. Mga kuwento na dinala pabalik ng mga nahukay kong piraso ng aking kahapon.
Minsan kailangan nating magbalik tanaw upang mabigyang halaga natin ang kasalukuyan- makapagpasalamat na marami na pala ang napag daanan at nalampasan. Magpasalamat na sa mga pinagdaanang ito ay naging bahagi ng buhay mo ang maraming katauhan, at naging parte ka din ng buhay nila. Mga karanasan mo na kasama sila at mga karanasang naaalala pa nilang kasama ka nila.
Minsan ay naiisip ko kung saan na nga ba ang mga taong iyon. Magkahalong lungkot at saya ang dulot ng mga inaaalalang mga halakhakan naming doon sa may ilalalim ng puno sa harap ng bahay na bato. Naalala ko din ang mga alagang isda ni mama na madalas niyang hindi palitan ang tubig kaya namamatay. Ang sarap ng mga pagkain ay sumariwa na rin sa aking gunita. Ang mga halakhak na kay lutong, parang galling lang sa kabilang silid.
Pati yung mga kababalaghan ay hindi ko makalimutan, mga sundalong hapon na hindi matahimik, mga naiwang putikang bakas, at mga batang naglalaro doon sa lagayan ni ina ng kanyang mga damit. Sa araw ay wala ang hiwaga, ngunit pag gumagabi na ay nababalot na ng misteryo ang mansiyon.
Mga ala-alang nakakasindak, nakakatuwa, nakakakilig, ngunit nasaan na ba yaong mga taong nakasalumuha ko dito. Maalala kaya nila ako gaya ng lagi kong pag-iisip sa kanila….


Intro to Interior design
Ang asotea na noon pa may paborito ko ng tambayan ay wala na ring laman. Naalala ko si Tita Indes, gusting gusto din niya ang lugar na ito. Kuwento niya sa akin, ditto niya ituturo sa mga anak niya ang mga mahahalagang aral sa buhay.
Si Tita Indes, siya na may malikhaing kamay na sa ilang bagwis lang ay nakakalikha ng mga pambihirang dibuho. Madalas akong mainggit sa kanya, sana may ganoon di akong galling. Tinanong ko siya minsan kung paano niya nagagawa iyon. Sinabi niya sa aking kailangan mong magpursige, ang mga katulad niya na nais ng kahusayan sa pagguhit ay kailangan ding marunong sa iba pang aspeto. Pinakamaganda niyang naiguguhit ang loob ng bahay, alam niya kung saan tumpak na ilalagay ang mga gamit at kung ano ang dapat na idagdag upang maging kaaya aya ang azotea. Noong bata pa siguro ako ay naisip ko na pagpapaganda lamang ng azotea ang gawain ni Tita Indes ngunit nakita ko ng ako ay tumanda na na may iba pa palang mga dahilan ng mga pagkaka ayos niya sa mga gamit. Kailangan din palang maging may pakinabang kaakibat ng ganda ang lahat ng kanyang mga ginawa. Namangha pa ako sa kahusayan ni Tita Indes. Maari ring masabi kong ang swerte sa bahay ay dala ng mag mapamahiing pag-aayos ni Tiya.

Intro to Clothing Tech
May mga damit dati si inay na lagi niyang ginagamait pag may okasyon, ngunit may mga bihira din siyang gamitin. Ang sabi niya mapapatahian daw kami ng mga ganoon kagarbong damit pagdating naming sa ika 18 na kaarawan. Si Ate Siti ang tumatahi sa mga damit namin. Ang mga retaso na akala mo ay hindi mapapakinabangan ay nabibigyan niya ng buhay. Ang mga sobrang tela ng mga damit ni ina ay nagiging magaganda naming mga saya. Ang mga damit naming ay namumukod tangi lagi sa simbahan dahil hindi ito sa sunod sa uso ngunit mapapansing bago at hindi pahuhuli ang disenyo. Lahat ng mga klase ng tela ay alam niya, pati mga butones ay alam niya. Ang mga pagpapares ay nagagwa niya ng maayos. Naniniwala siyang maari pang pantayan ang uso mula sa mga pangkaraniwan. Nakapagtayo nga sana siya ng sariling negosyo kung hindi siya nakapag asawa ng isang haciendero.
Ang koleksiyon ng damit ngayon ni Ina ay nakalagak sa kuwartong madalas mabalot ng hiwaga pag gabi. May mga batang gusting makipaglaro sa mga manikin na nakasuot ng mga damit ni ina. Mga batang hindi ko mahanap sa aking gunita. Maari kayang iyon ang aming mga kabataan na yaw pang lumipas ang mag maliligayang sandal?

Intro to Nutrition
Madaling araw pa alang ay kumakalembang na ang mga kampana sa aming bahay, mga kampanang gawa sa mga banga na kinakalembang sa kusina. Si ate Komnuti ang may kagagawan nun. Mahigpit n autos ni Ina na gawin niya iyon upamng magising kami at mag ehersisiyo. Naniniwala sila ni ate Komnuti na ang malusog na pangangatawan ay kailangan. Ang hirap magising lalo na kapag malamig ang mga umaga. Nagpipilit akong mamaluktot sa loob ng aking kumot. Madalas akong kagalitan ng aking ina. Ang mga hindi nakakagising sa pang umagang ehersisyo ay pinap-akain ng mga gulay sa agahan.
Kung nagkakasakit kami ay madalas kaming iaruga ni Ate Komnuti. Habang pinupunasan niya an gaming lagnat, pinagsasabihan niya kami. Nakakatawa na kapag may sakit ka ay naipapangako mo na gawin lahat ng bagay gumaling ka lang. Kaya pag sinabi niyang uninom kami ng maigi ng tubig, o kumain ng mabuti, o iwasan ang kendi, o kumain ng gulay… nagiging masunurin kami. Pag gumagaling naman ay nagiging suwail kami. Ngayon ko lang nalaman ang halaga ng mga bagay na ginigiit niya- ngayong tumanda na ko ngunit wala akong mga nagging malubhang karamdaman. Nakita ko na nais lamang ni Ate Komnuti na mapabuti ang kalusugan n gaming pamilya sa pamamagitan ng tamang nutrisyon. Sa aming magkakkapatid, siya nga ang mukhang pinakabata kahit na pangalawa siya sa amin.

Intro to Food Tech
May mga pagkakataong nahihilig magluto ang ina at masyado siyang maraming naihahanda. Kinabukasan, lahat kami ay nasasayangan sa mga nasirang tiring pagkain mula kagabi. May pagkakataon ding nasasayang din ang ani mula sa paligid ng mansiyon sapagkat hindi naming siya nagagawang kainin. Salamat na lamang at lagging dumadalaw sa bahay si Tito Futelo kaya nagagawaan naming ng paraan ang mga kasayangang ito. Tinuruan niya kaming gamitin ang mga kagamitan sa kusina upamng mapahaba ang buhay n gaming mga pagkain naming. Naituro din niya sa amin kung paano iimbak ang mga pagkain. Nagagawa din niyang ibang produkto ang mga pagkain. Ang mga prutas na madalas lang naming kainin ng sariwa ayun sa payo ni Ate Komnuti ay nagagawa niyang minatamis, o kaya ay pinapatuyo niya. Bukod sa tumatagal ay hindi na kami medaling maumay sa mga prutas sa aming bakura.
Akala ko dati ay simple lamang na gawain ang mga tinuturo ni Tito Futelo, iyon pala ay nababalot ng malalim na siyensa ang mga ito. Para sa aming ang mga produkto lamang ang nakikita, hindi ko dati makita ang halaga ng bawat hakbang upang maihain sa amin ang masarap na pagkaing ito. Naikuwento niya na mahalaga ang kalinisan sa paghahanda ng bawat pagkain- dapat daw mailinis at maayos upang tumagal pa ang buhay ng pagkain. Ni sa hinagap, hindi ko inakalang may mundo din pala sa mga bote, platito at banag sa aming kusina o sa mga bote ng alak.

Intro to FLCD
Habang lumilibot ako sa lumang mansiyon ay napupunta ako sa mga kuwartong nagsilbi naming silid aralan noong mga bata pa kami. Doon kami natutong magbasa at magsulat. Naalala ko an gaming butihing guro na si Falicedi. Siya ang pinakamabait na gurong aking nakilala. Hindi katulad ng nauna naming guro mabait siya at naiintindihan ko ang kanyang mga tinuturo. Namamalo siya at pinapagalitan niya kami ngunit may mga sapat na dahilan. Naipapaliwanag naman niya ang mga dahilan ng bawat gantimpala at kaparusahang naipapataw ng mga amin. Dahil doon, napamahal sa amin ang guro na si Felicida. May sa majikero ata siya dahil nahuhulaan niya an gaming mga gusto at ayaw pati na an gaming mga kinatatakutan. Hindi katulad ni ina, naiintindihan niya ang minsang tampuhan at pangangailangan ng atensiyon ng isang bata. Maaring masabi kong malaking bahagi siya ng naging paghubog sa akin. Siya ang naging daan upang maimulat ako ng tama.

Intro to HRIM
Nakita ko ang mga iskaparate na puno ng mga lumang pinggan at naalala ko ang mga mariringal na piging na ginaganap sa aming bakuran dati. Hindi lang naman sa mariringal na piging ginagamit ang mga magaganda naming mga pinggan kundi sa bawat hapunan na kumpleto ang buong pamilya. Andun si ate Horimana na lagging nangunguna sa pag-oorganisa sa mga piging at pati sa mga pagkain ng buong pamilya. Kahit ang mga simpleng hapunan ay ginagawang espesyal ng mga magagaling na kamay at malikot na imahinahinasyon ni Ate Horimana. Ang mga ordinary niyang putahe ay nagiging espesyal dahil sa kanyang mga sekretong sangkap. Kapagayaw naming kumain ng gulay, niluluto niya ito sa paraang magugustuhan naming at hindi mahahalatang gulay pala an gaming kinakain. Ngunit hindi lang sa pagkain at pag-aayos ng mga piging magaling si ate Horimina, Magaling din siya sa pagaayos ng mga usaping pera sa bahay. Siya ang lagging nauutusang bumili ng mga gamit dahil magaling siyang mamili.
Ang mga ala-alang iniwan ni Ate sa mga piging na pinagdaanan ng mansiyon na ito ay hindi mababakas sa mga luma naming mga pinggan, maalaga siya sa mga gamit gdahil naniniwala siya sa halaga ng mga gamit. Madalas naming siyang tawaging kuripot dahil mahigpit siya sap era ngunit alam naman naming magaling lang siya- isang katangiang hindi ko nagawang gayahin

Intro to HE

Habang lumilibot ang aking mga ala-ala sa lumang mansiyon ay nadaanan ko ang lumang butaka na laging ginagamit n gaming lola. Naalala ko ang mga kuwento niya sa amin tungkol sa kanyang mga pakikipagsapalaran. Sa kanya nga yata nagmana ang mga kamag-anak ko na may mga espesyal na kakayahan dahil halos lahat ay kaya niyang gawin. Para siyang isang katauhan na may tagpi-tagpi ng bawat kakakyahan n gaming angkan. Siya na puno ng pamilya ang naging dahilan ng aming disiplina. Sa kanya nagsimula ang pagtira naming sa lumang mansiyon na ito. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Ang hindi ko lamang mawari ay kung bakit may ilan naring hindi maka alala sa kanya. Isang malaking kasayangan sa isang taong may malawak na kakayahan sa larangan ng buhay.

Paglalagom
Ang aming pamilya na puno ng kuwento. AAkalain mo na ibat-ibang taong pinagsama ng tadhana- mga tao na pinagbuklod ng mga disiplina. Iba –iba man ang interes at kakayahan ng bawat isa, nanatili kaming isa sa panananlig sa Diyos, sa pagpapaphalaga sa pamilya, sa pagpapahalaga sa oras, sa kagustuhang mapabuti ang kapwa at pati an gaming mga sarili. Lumipas man kami ay nanatili pa ring buklod ng isang layunin- mapabuti ang bayan- mabuhay ang angkan ni Teodora.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento