Nakaupo ang bakla sa may malapit sa may pintuan ng kainan kaya nakita niya ang guwapong lalaking noon ay naging kasintahan din niya. Ano nga ba ang dapat na maramdaman niya makalipas ng maraming taon? Galit?Matapos siyang iwan ito upang sumaa umano sa isang tunay na babae. Panghihinayang? Sapagkat pinakawalan niya ang ganito kabonggang lalaki? Ganun naman talaga ang drama ng mga bakla diba? Ipagpapalit din sila ng mga lalaki sa mga tunay na babae o sa mga baklang higit na may pera. Ngunit sa relasyon nila dati ay hindi akmang isiping pera ang naging habol ng lalaki sapagkat mas higit nga itong nakakariwasa kaysa sa kanya. Higit itong mas malalim at puno ng respeto.
Tahimik niyang tinitignan ang lalaki na mag-isa sa isa pang mesa. Waring may hinihintay. Wala namang nagbago sa kanya bagkos ay mukhang sumeryoso at tumanda lamang ito. Mga natural na bahid ng panahon. Kinapa ng bakla ang puso niya kung ano ang dapat na maramdaman. Kinilig siya siyempre kasi hindi niya lubos maisip na magkakarelasyon sila noon ng guwapong lalaking ito. Ano nga ba ang dahilan at natiis siya nito? Sabi noon nung lalaki kasi matalino daw siya, masayahin- walang dull moments. Exactly the words na laging ginagamit ng lalaki kapag tinatanong niya kung bakit siya.
Iniisip ng bakla kung lalapit ba siya at makikipagpansinan sa lalaki. Magkumustahan baga pagkalipas ng ilang taong di pagkikita. Ni hindi nga sila magkaibigan sa Facebook kaya hindi niya batid kung ano na nga ba ang estado ng isat-isa. Sila din ba ang nagkatuluyan nung dahilan kung bakit iniwan siya nito? Kahit kaunti ay nahihiya siyang puntahan ito. Nangangati siyang masagot ang mga tanong niya ngunit pinangungunahan siya ng hiya. Hindi niya alam kung bakit.
Umasa na lang si bakla na sana ay maunang makita siya ng lalaki at kusang lalapit, magkukumustahan at magkukuwentuhan na parang walang nangyari sa kanila. Kalilimutan na sa kanilang huling pagkikita noon ay iniwanan lamang siya ng lalaki at si bakla ay nangngangangawang patago sa halos isang linggo. Walang nakakaalam na noon ayparang mabaliw siya nung iwan siya nito. Pasimple niyang sinusulyapsulyapan ang lalaki. Ngunit matapos ang 10 minuto ay walang nangyari. Ubos na kanina pa ang kanyang kinakain at nakakahiya namang umupo lang siya doon at diladilaan ang mga buto. Nagpasya siyang tumayo na lang at daanan ang lalaki. Ngunit kakatayo pa lamang niya ay dumating na ang hinihintay ng lalaki- ang kanyang mag-ina.
Nagtuloy sa labas ang bakla na hindi alam ang kasalukuyang nararamdaman. Ngumiti na lamang siya at kunwari ay walang nangyari. Kahit sa loob ay lupasay levels na dapat siya, nagpakatatag siya. Ganyan naman na siya dati pa. Kaya siya iniwan at pinagpalait dahil sa pag iinarte niya- gaya na lamang nung kanina. Di bale nang laging nasasaktan basta feel na feel ni baklang ipreserve ang kabirhenan para sa tamang lalaki. Inisip niya, paano kaya kung di siya nag-inarte at pinagbigyan si lalaki sa lahat ng hilig niya? Sila pa din ba hanggang ngayon? Hindi niya alam at malamang ay buong buhay siyang bubulabugin ng katanungang ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento